^

Probinsiya

4 NPA, 1 kawal patay sa panibagong sagupaan

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Apat na rebeldeng New People’s Army at isang kawal ng militar ang iniulat na nasawi sa panibagong sagupaang naganap sa kagubatang sakop ng Barangay Beguin, Sorsogon kahapon ng umaga.

Ang apat na rebeldeng napatay ay binitbit ng kanilang mga kasamahang nagsitakas, base na rin sa salaysay ng mga residenteng nakasaksi sa madugong sagupan.

Samantala, nakilala naman ang sundalong nasawi na si Pvt. Mesias ng 21st Infantry Battalion ng Phil. Army.

Base sa ulat, naitala ang engkuwentro ganap na alas-9:30 ng umaga habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng 21st Infantry Battalion sa bahaging sakop ng nabanggit na barangay.

Ayon pa sa ulat, patungo sana ang mga rebelde sa Barangay Beguin para mangolekta ng revolutionary tax sa mga residente, subalit namataan ng mga awtoridad kaya sumiklab ang bakbakan.

Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan hanggang sa umatras ang mga rebelde at binitbit ang kanilang kasamahang napatay maging ang ilang sugatan.

Mabilis naman nagtayo ng checkpoint ang mga tauhan ng 509 Provincial Police Mobile Group sa Barangay Pawa at Sumagongsong na posibleng pagdaanan ng mga rebelde.

Napag-alamang aabot sa 30 pamilya ang nagsilikas mula sa nabanggit na barangay patungong sentro ng Sorsogon upang hindi madamay sa patuloy na engkuwentro ng magkalabang grupo. (Ed Casulla)

vuukle comment

APAT

BARANGAY BEGUIN

BARANGAY PAWA

ED CASULLA

INFANTRY BATTALION

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

PROVINCIAL POLICE MOBILE GROUP

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with