11 miyembro credit card syndicate natimbog
November 24, 2005 | 12:00am
Umiskor ang bagong tatag na Special Tourist Police Office na kinabibilangan ng mga pulis na dating natalaga sa UN peacekeeping force matapos na bumagsak sa kanilang kamay ang 11 miyembro ng credit card syndicate na nagmula sa Maynila kabilang ang dalawang Tsinoy na bumiktima ng mga resorts, hotels at shopping centers sa Boracay Island, Malay, Aklan kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Remigio Gregorio, hepe ng Boracay Special Tourist Police Office, ang mga suspek na sina Sean Erick Pineda, 30; Karen Lopez, 28; Anthony Pineda, 23; Jemelyn Pineda; 28, pawang nakatira sa Filinvest, Quezon City; David Pineda, 24, ng North Fairview, Quezon City; Maria Gabriella Quimson, 22, ng Pasig City at Pablo Soler, 22, pawang sa Valle Verde IV, Pasig City; Ma. Isabel Quiros, 46, ng Alfaro St., Makati City; Anthony Cruz, alyas Raymundo Cruz, 41, ng SMV, Makati City at dalawang Tsinoy na sina Andrew Tan Go, 27, ng Binondo, Manila at Jeremy Chua, 32, ng Sta. Cruz, Manila.
Sa pagsisiyasat ni PO3 Oliver Livios, nadakip ang mga suspek sa White House Beach Resort sa Brgy. Balabag, Boracay Island matapos na magbayad ng hotel bills gamit ang pekeng credit cards.
Nauna rito, nabiktima na ng mga suspek ang tatlo pang resort na kanilang pinuntahan, mga boutiqes na binilhan, restaurants, diveshops at mga shopping establishments sa Boracay gamit din ang tampered credit cards.
Kabilang sa nagreklamo, ang Rudys Project na nagbebenta ng signature clothes, D Mall na nakuhanan ng P20,000; Quick Silver shop na natangayan ng P40,000 woth ng items; Scuba World Dive shop na umaabot sa P58,000 at Aquaventure dive equipments na umaabot sa P37,121.
Kabilang sa mga nakumpiska ng pulisya sa mga suspek ay ang kanilang hawak na pekeng American Express card, JCB card at AMEXCO card. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest