Kabilang sa mga nasawing biktima ay nakilalang sina Rosario Lamprea, 29, may-ari ng videoke bar at ang kustomer nitong si Jerry Senga, 21, na binawian naman ng buhay habang ginagamot sa ospital.
Napag-alamang si Lamprea ay idineklarang patay sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Bacolod City habang nasa kritikal na kondisyon ang asawa nitong si Allan, 34.
Kinilala naman ni SPO1 Jovito Tejado, ang mga biktimang malubhang nasugatan at ngayon ay ginagamot sa Bacolod Sanitarium Hospital na sina John Rey Torreblanca, 6; Allan Rodriquez, 24; Christian Cortez, 7; Lily Cortez, 38; Julie Ann Evangelio, 18; at Josette Claro, 23, habang ginagamot naman sa Riverside Medical Center sina Eduard Tan at Larry Celiz.
Samantala, ang drayber ng kulay pulang Nissan Frontier pickup na si Edwin Golte at mga sakay nito ay nasa malubhang kalagayan dahil sa tinamong mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nabatid na bandang alas- 7:20 ng gabi nang biglang suwagin ng nasabing sasakyan ang isang bahay at videoke bar sa tabi ng highway sa nasabing lugar.
Pinaniniwalaang nakainom ng alak ang drayber kaya bumilis ang takbo ng sasakyan hanggang sa maganap ang trahedya.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa drayber ng Nissan pick-up, ayon sa pulisya. (Joy Cantos)