Empleyada binigti sa banyo

CAVITE — Binigti hanggang sa mapaslang ang isang 32-anyos na empleyada ng pribadong kompanya sa naganap na namang karahasan sa Barangay Molino 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite kahapon ng umaga.

Ang biktimang natagpuan sa loob ng banyo ng kanyang bahay ay nakilalang si Angela Segondina, 32, may asawa, empleyada ng INOVE Communication sa 2nd level ng kilalang mall sa Barangay Molino 4 ng bayang nabanggit.

Kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon ang suspek na pinaniniwalaang lover na si Arvin Valdez, 25, ng #1320 Sagat Street, Paco, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Dante Ordonio, natagpuan ang bangkay ng biktima na may sugat sa leeg sanhi ng nylon cord na ginamit ng killer sa pamamaslang.

Isinaisantabi ng pulisya ang anggulong pagnanakaw at sinisilip ang anggulong love triangle. (Cristina Timbang)

Show comments