74 kasong rape vs US servicemen napawalang-sala sa Gapo
November 22, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY May kabuuang 106 na kaso ng panghahalay laban sa Pinay ang naitala sa Olongapo City Prosecutors Office simula noong 1986 hanggang 1992 kung saan pawang mga US military servicemen ang naging sangkot.
Ito ang napag-alaman base sa report na nakalap ng PSN na naitala ng record section ng prosecutors office ng Olongapo City kung saan lahat nang naisampang kasong rape laban sa mga Amerikanong sundalo noong panahon ng dating Subic Bay Naval Base ay pawang na-dismissed at walang naparusahan o na-convict man lamang ni isa sa mga akusadong Kano.
Sa 90-kaso ng rape na naisampa sa prosecutors office para sa preliminary investigation, ay aabot lamang sa 16 kaso lamang ang pormal na naiakyat sa mababang korte.
Karamihan sa Pinay na biktima ng rape ay mga tindera at kahera lamang sa mga club at commissary sa loob ng Subic Naval Base na pinaniniwalaang inimbita lamang lumabas ng mga suspek na Kano para mamasyal, subalit nauuwi sa panghahalay.
Isa sa biktimang itinago sa pangalang Alexandra na kahera sa isang commissary sa Subic Bay Freeport na hinalay ng isang US Airforce personnel matapos siyang imbitahan na mamasyal at magbar-hopping sa Magsaysay drive sa nasabing lungsod.
Gaya rin ni Alexandra ay inireklamo nya ng kasong rape sa prosecutors office ang suspek na Kano noong 1987, subalit bago pa makarating sa korte ay agad na na- dismiss ang nasabing kaso.
Subalit ipinaliwanag nito na naidaan sa pag-aayos ng magkabilang panig sa pamamagitan ng paglalaan ng pera bilang pambayad sa nangyaring insidente ng panghahalay na hindi naitanggi ni Alexandra dahil sa pangangailangan din ng pera.
Nabatid din na kayat walang naparusahang mga suspek sa kaso ng panghahalay ay dahil sa agad na inaagapan ng mga ito ang pagbibigay ng madaliang settlement, kung kayat umuurong na ang mga biktima kaso.
Samantala, preparado na ang mga kawani ng Olongapo City Prosecutors Office para sa unang pagdinig sa kasong panggagahasa ng anim na US Marines laban sa isang 22-anyos na Pinay sa itinakdang preliminary investigation bukas (Nobyembre 23, 2005).
Nabatid na noong nakalipas na Biyernes, Nobyembre 18, 2005, ay pormal na nagsampa sa prosecutors office ng motion for cancellation on preliminary hearing ang Sisip-Salazar-Hernandez-Gatmaitan law office, tumatayong taga-depensa nina Corey Burris at Albert Lara, subalit mabilis na tinanggihan ang nasabing mosyon ni City Asst. Prosecutor Raymund C. Viray.
Kabilang sa magtatanggol sa mga akusadong sina Daniel Smith ay ang Formosa-Navarro-Formosa law office, Rodrigo-Berendiel-Gono law firm para naman kay Brian Carpentier at ang Coloso-Chica and Associates law office para naman kina Keith Silkwood at Dominic Duplantis. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am