Nawawalang mga bata, kagagawan ng kulto
November 21, 2005 | 12:00am
CAVITE Malaking palaisipan ngayon sa mga residente sa lalawigang ito ang sunud -sunod na pagkawala ng mga batang babae at lalaki na basta na lamang naglalaho at hindi na natatagpuan ng kanilang mga magulang sa magkakahiwalay na bayan ng lalawigan ng Cavite. Nabatid na binabalot ngayon ng matinding takot ang mga magulang dito hinggil sa kumalat na balitang may isang Kulto umano ang nangunguha ng mga bata na nagkakaedad 15 anyos pababa. Sa bayan ng Bacoor ay may naiulat ng 3 hanggang 5 bata ang nawawala, habang sa bayan ng Imus ay 2 at sa Dasmariñas ay may 5 bata na rin ang nawawala bukod pa sa mga karatig bayan. Tanging blotter lamang sa pulisya ang nagagawang hakbang ng mga magulang ng mga nawawalan ng anak na pinangangambahang tinangay umano ng gumagalang kulto. (Christina G. Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended