Alkalde, 90 araw suspendido

DAET, Camarines Norte Pinatawan ng 90 araw na pagkakasuspendi ang isang alkalde makaraang mapatunayan ng Sangguniang Panlalawigan na lumabag ito sa isang local government code dahilan sa pagpapatayo ng dalawang sabungan sa kanyang nasasakupan.

Sinampahan ng kasong grave abuse of authority and violation of law at pagkakasuspendi ng tatlong buwan si Mayor Rosito Velarde ng Tinambac, Camarines Sur.

Batay sa isinampang kasong administratibo ni Brgy. Chairman Freddie Francia ng Brgy. Tamban, Tinambac, si Mayor Velarde ay nagpalagay ng satelite cockfit arena sa Brgy. Tamban na hindi ipinabatid sa kanila at kahit walang barangay clearance ay agad na nagbigay ng mayors permit sa may-ari ng sabungan.

Samantalang, lumabag din ang nasabing alkalde sa Presidential decree 449 na kinakailangan na isang sabungan lamang ang puwedeng itayo sa bawat munisipalidad. Pinapayagan lamang na magtayo ng dalawang sabungan kung umaabot na sa 100 libo ang populasyon sa isang bayan.

Nakatakda namang magsampa ng motion for reconsideration si Velarde na sa paniniwalang may kulay pulitika sa naging desisyon ng 11 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan matapos isa lamang ang tumutol sa kaniyang suspensyon. (Francis Elevado )

Show comments