2 Martilyo Gang member todas sa kasama
November 20, 2005 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Patay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng kilabot na "Martilyo Gang" makaraang pagbabarilin ang mga ito ng ilang lalaki na pinaniniwalaang kanilang kasamahan sa grupo kamakalawa sa Brgy. Macabud ng bayang ito.
Tadtad ng tama ng bala mula sa kalibre .45 baril ang mga biktima na nakilalang sina Joey de Guzman alyas Darius dela Cruz, 36, at Rudy Canamales, nasa hustong gulang, pawang residente ng Sampaguita St., Brgy. Central Diliman, Quezon City at miyembro umano ng notoryus na "Martilyo Robbery Hold-up group" na bumibiktima sa Kalakhang Maynila at karatig lalawigan.
Samantala, mabilis namang tumakas ang tatlong suspek na sakay ng isang pulang kotse na walang plaka.
Ayon kay Supt. Manule Delfin Pion, hepe ng Rodriguez Police, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon habang nag-aabang sa tabing kalsada ang mga biktima sa kahabaan ng Brgy. Macabud.
Bigla na lamang umanong tumapat sa mga ito ang nasabing kotse sakay ang tatlong suspek at pinagbabaril ang mga nabiglang biktima. Nang masigurong patay na ang dalawa ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Napag-alaman kay Pion na sa kanilang imbestigasyon ay mga kasamahan rin ng mga biktima ang pumatay sa kanila at posibleng onsehan sa partihan sa nakulimbat ang dahilan ng pamamaril. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
14 hours ago
Recommended