Vintage bomb explosion, 3 todas
November 19, 2005 | 12:00am
CAVITE Nagkagutay-gutay ang katawan ng tatlong mangingisda makaraang tangkaing buksan ang vintage bomb na kanilang napulot sa dagat na aksidenteng sumabog sa Barangay Wawa 3, Rosario ng lalawigang ito kahapon ng umaga.
Kinilala ni Police Chief Inspector Mario Reyes, hepe ng Rosario Police ang mga nasawi na sina Johnny Licanda 46-anyos; Benedicto Peñaflor, 39; at Ricardo Mongolio pawang mga mangingisda at residente ng Brgy. Wawa 3 ng bayang ito.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas-11 ng umaga ng maganap ang pagsabog sa may ilog ng Canlas sa Brgy Wawa.
Nabatid na dinala ng mga biktima sa nasabing ilog ang nakuhang vintage bomb na napulot ng mga ito habang lulutang-lutang sa dagat at kapagdakay pinagtulungang pukpukin para buksan upang kunin ang pulbura nito at gamitin sa paggawa ng dinamita.
Subalit sa kasamaang palad ay sumabog ang nasabing bomba kung kaya nagkalasug-lasog ang duguang katawan ng mga biktima na naging dahilan ng kamatayan ng mga ito.
Ayon pa kay Reyes, ang nasabing bomba ay may sukat na kasing laki ng hita ng isang malaking lalaki at kadalasang ginagamit ito sa mga eroplanong nagbabagsak ng mga bomba noong panahon ng World War II.
Sa nasabing insidente ay ilang bangka rin ang nawasak sanhi ng malakas na pagsabog. (Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended