4 tiklo sa kasong rape
November 15, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY Pormal nang sinampahan ng kasong rape ang apat na tinedyer makaraang ireklamo ng isang 15-anyos na dalagita na kanilang pinilahang halayin sa Barangay Mabayuan, Olongapo City, kamakalawa ng gabi. Dalawa sa mga suspek ay kinilalang sina Michael Samonte, 18; at Jason San Juan, 18, kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay, samantala, ang dalawa pa ay pansamantalang itinago ang pagkikilanlan dahil sa kapwa menor-de-edad.
Sa ulat na ipinarating ni P/Senior Insp. Camilo Gutierrez Pablo kay P/Senior Supt. Florencio Buentipo, naitala ang krimen dakong alas-8 ng gabi matapos na yayain ni Jason ang biktimang nobya sa batis na kasama ang tatlo pang suspek. Matapos na maisagawa ang krimen ay nagpulasan ang mga suspek, habang nakahingi naman ng tulong ang biktima sa tatlong kabataang naka-istambay malapit sa nabanggit na lugar kaya naman nadakip ang mga suspek. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest