2 lolo todas sa demolisyon
November 15, 2005 | 12:00am
BULACAN Dalawang lolo ang kumpirmadong nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang sikyu sa naganap na demolisyon ng kabahayan sa bahaging sakop ng Barangay Muzon sa San Jose del Monte, Bulacan, kamakalawa. Napuruhan ng bala ng baril ang mga biktimang sina Romeo Lamsen, 62; at Jose Simbol, 60, na kapwa residente ng LA Poblacion Subdivision. Samantala, naghihimas naman ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Nixon Asterro, 35, ng Caloocan City; at Raffy Garcia, 20, ng Bacoor, Cavite, na pinaniniwalaang kapwa security guard ng Redwolf Security Agency.
Napag-alamang pumagitna ang mga biktima habang ginigiba ang kanilang kabahayan hanggang sa komprontahin sila ng mga guwardiya. Dito nagkainitan hanggang sa naganap ang pamamaril na ikinasawi ng mga biktima. (Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest