Paslit tinodas habang tulog
November 15, 2005 | 12:00am
CAVITE Nababalot ng misteryo ang pagkamatay ng isang 9-anyos na may tama ng bala ng baril sa dibdib habang ito ay natutulog sa sariling bahay sa Barangay Pasong Camachile 2 sa bayan ng General Trias, Cavite, kamakalawa. Hindi na nagising sa kinahihigaang kama ang biktimang si Michael Pelinario ng Block 3 Lot 6 sa Belmont ng nabanggit na barangay. Ayon kay PO2 Lorena Cernio na posibleng napagkamalang kaaway ang biktima kaya tinodas. Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang pulisya upang matukoy ang suspek na pinanininiwalaang adik sa bawal na gamot. (Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest