Datu dinukot, pinatay sa firing squad ng NPA
November 15, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Sinentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang Datu na lider ng isang tribu matapos itong dukutin sa Paquibato District, Davao City, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Datu Manuel Butig, 43, may-asawa, tribal chieftain ng Paquibato District at residente ng Sitio Manipis ng nasabing lugar.
Napag-alamang ang biktima ay dinukot ng mga armadong rebelde na pinamumunuan ni Commander Parago sa bahagi ng Sitio Cristorey sa Barangay Paradise Imbac, Paquibato District saka dinala patungo sa direksyon ng kagubatan bandang alas-8:30 ng gabi.
Matapos dalhin sa kagubatan ang bihag na lider ay humilera ang mga armadong rebelde na di pinakinggan ang nagmamakaawang biktima na halos sabay-sabay nilang pinaputukan.
Ang bangkay ng biktima ay narekober ng mga nagrespondeng awtoridad matapos ipagbigay-alam ng isang civilian asset ang masaklap na kamatayang sinapit ng biktima sa kamay ng mga rebelde.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 35 basyo ng bala ng M16 rifle na siyang ginamit sa pagpatay laban sa biktima.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng pamamaslang sa nabanggit lider ng tribu. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended