^

Probinsiya

Sangkap pampasabog nasamsam

-
KAMPO SIMEON OLA , Legazpi City – Umaabot sa 1,400 na pirasong mga blasting cap ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang empleyado ng Civil Security Agent ng isang LGU ( Local Government Unit ) kahapon ng madaling-araw sa Matnog Ferry Terminal, Matnog Sorsogon.

Nakilala ang suspek na si Cruzaldo Serrona, 42 , may-asawa, empleyado ng Civil Security Agent ng San Antonio Northern Samar at residente ng Barangay Burabod, San Antonio sa naturang probinsya.

Bandang alas-2:30 ng madaling-araw ng masakote ang suspek sa loob ng terminal habang naghihintay ng barko na biyaheng Samar.

Napag-alaman na ang suspek ay kahina-hinala ang kilos kung kaya nagduda ang mga awtoridad at kaagad na ininspeksyon ang mga dala nitong mga bagahe.

Nabatid na ang mga blasting cap na nasamsam ay maaring gamitin sa pagpapasabog ng high explosive. Isinailalim na sa masusing interogasyon ng mga awtoridad ang nahuling suspek. (Ed Casulla)

BARANGAY BURABOD

CIVIL SECURITY AGENT

CRUZALDO SERRONA

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

LOCAL GOVERNMENT UNIT

MATNOG FERRY TERMINAL

MATNOG SORSOGON

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with