Holdaper namaril, 3 grabe
November 14, 2005 | 12:00am
CAVITE Tatlo katao ang grabeng nasugatan makaraang pagbabarilin ng apat na holdaper na nangholdap ng kanilang mga cellphone sa Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Chief Insp Tony Yarra, hepe ng pulisya sa bayang ito ang mga biktima na kasalukuyan ngayong ginagamot sa UMC Hospital sanhi ng mga tama sa hita at paa na sina; Vilben Gelle, 21-anyos binata; Glenn Zamora, 19 at Fermin Magat,18; pawang mga residente ng naturang barangay.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Edgar Belza, may hawak ng kaso ganap na alas-11:40 ng gabi ng tutukan ng baril sabay deklara ng holdap ng mga suspek ang mga biktima.
Puwersahang kinuha ng mga suspek ang mga cellphone ng mga biktima kabilang ang isang Nokia 3315 at 3650 na di pa nakuntento ay binaril pa ng isa sa mga holdaper ang mga biktima na pinapuruhan sa paa.
Pakay naman ngayon ng pagtugis ng mga awtoridad ang mga nagsitakas na holdaper. (Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended