Base sa report na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni Maj. Gamala Hayudini, information officer ng Southern Command, unang naganap ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde sa pagkalabas ng bayan ng Indanan sa Jolo kahapon matapos na tambangan ang isang marine patrol. Nagkaroon ng putukan sa Buanza na nagresulta sa pagkakapaslang ng tatlong Marines at pagkasugat ng 9 nilang kasamahan.
Ilang oras lamang ang nakakalipas ay isa pang sagupaan sa pagitan ng army patrol at Abu Sayyaf men sa isang remote village sa Candilamon na nagresulta ng pagkakasugat ng tatlo pang sundalo.
Sinabi ni Hayudini na agad na iniutos ni Southern Command chief Lt. Gen. Edilberto Adan ang reinforcement sa dalawang nabanggit na lugar.
Tinataya ng opisyal na marami rin sa tropa ng ASG ang nalagas at nasugatan sa naturang labanan. (May ulat ng AP)