Ambush: DPWH official, anak dedo
November 12, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINLADO Isang district engineer ng Department of Public Works ang Highways (DPWH) at anak nitong babae ang nasawi habang isa pa ang nasugatan makaraang ratratin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa naganap na ambus sa bahaging sakop ng Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa ng hapon.
Base sa ulat ni P/Supt. Panyares Adap, Sultan Kudarat Provincial Police Office (PPO) director, kinilala ang mga napatay na biktima na sina Norodin Ali Magarang, 53, district engineer ng Department of Public Works and Highways sa nabanggit na lalawigan at 20-anyos na anak nitong babae na si Norati na kapwa naninirahan sa bayan ng Poona Bayabao sa Lanao del Sur.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa bahagi ng Poblacion sa bayang nabanggit bandang alas-4 ng hapon.
Bumili ng gamot ang mag-ama sa isang drug store nang biglang sumulpot ang dalawang armadong kalalakihan.
Kasalukuyang pasakay ang mag-ama sa kanilang nakaparadang Ford Everest nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklong walang plaka.
Matapos maisagawa ang krimen ay mabilis na pinaharurot ang motorsiklo ng mga killer sa hindi nabatid na direksyon.
Ang mag-ama ay kapwa idineklarang patay sa pinagdalhang ospital habang isa namang bystander na si Agustin Duhaylungsod ay nasugatan dahil sa tama ng ligaw na bala.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng pulisya upang matukoy ang tunay na motibo ng krimen. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended