Bagyong Ondoy nagbabanta sa Bicol
November 10, 2005 | 12:00am
Patuloy ang pagkilos ng bagyong Ondoy at ito ngayon ay nagbabanta sa Bicol area.
Sa report ng PAGASA, namataan si Ondoy kahapon ng alas-10 ng umaga sa layong 690 kilometro ng Silangan ng Legaspi City, Albay taglay ang pinakamalakas na hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Ito ay patuloy na kumikilos pakanlurang direksiyon sa bilis na 19 na kilometro bawat oras patungo sa pangkalahatang direksiyon ng Central at Southern Luzon area.
Inaasahan na si Ondoy ay nasa layong 300 kilometro silangan ng Legaspi City, Albay ngayong umaga at may 80 kilometro hilagang kanluran ng Daet Camarines Norte bukas ng umaga.
Patuloy na pinag-iingat ng PAGASA ang mga nakatira sa tabing-dagat at mababang lugar na apektado ni Ondoy na palagiang mag-ingat upang makaiwas sa anumang epektong dala ng naturang bagyo. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended