^

Probinsiya

2 tigok sa isdang ‘butete’, 6 pa naospital

-
MORONG, Bataan – Dalawa sa anim na anak ng pamilya Castro ang namatay samantalang anim ang naospital matapos na makakain ng ginataang isdang butete sa Sitio Gantuan Barangay Nagbalayong, Morong, Bataan noong Linggo ng tanghali.

Ang isang pamilya na biktima ng food poisoning ay nakilala na sina Raul Castro y Pateño, 42 anyos, mangingisda; ang asawa nitong si Lolita Castro y dela Cruz, 44, at mga anak na sina Analyn-13; Jessa-7; Rowell-5; Mary Rose-4; Raul Jr., 3 at Gina Rose-1 at 10 buwan.

Sa naantalang report na nakarating sa Camp Tolentino, dakong alas-10:00 ng umaga nang makahuli ng isda si Mang Raul at ipinaluto niya sa kanyang asawa para sa kanilang pananghalian.

Makaraan ang ilang oras nakaramdam umano ang mga biktima ng pamamanhid ng kanilang mga panga, pagsakit ng kanilang tiyan at pagsusuka.

Mabilis na itinakbo ng mga kapitbahay ang mga biktima sa Bagac Medical Center para agad na malapatan ng lunas subali’t dead-on-arrival sina Rowell at Raul Jr. (Jonie Capalaran)

BAGAC MEDICAL CENTER

CAMP TOLENTINO

GINA ROSE

JONIE CAPALARAN

LOLITA CASTRO

MANG RAUL

MARY ROSE

RAUL CASTRO

RAUL JR.

SITIO GANTUAN BARANGAY NAGBALAYONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with