Pulis itinumba sa traysikel

MANAOAG, Pangasinan – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang tauhan ng pulisya ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagbabasa ng dyaryo sa labas ng sementeryo na sakop ng Barangay Babasit sa bayan ng Manaoag, Pangasinan noong Lunes ng umaga. Pitong bala ng baril ang tumapos sa buhay ng biktimang si PO1 Jimmy Biador, 37, binata, ng Barangay Bizal ng nabanggit na bayan.

Napag-alamang nagbabasa ng dyaryo ang biktima sa loob ng nakaparadang traysikel habang hinihintay ang kanyang dalawang kabaro nang lapitan ng motorsiklong may lulang dalawang hindi kilalang lalaki. Ilang putok ng baril ang umalingawngaw at duguang bumulagta ang biktima na naisugod pa sa Manaoag Community Hospital sa Barangay Baritao, subalit idineklarang patay. (Eva Visperas)

Show comments