^

Probinsiya

2 pulis-Laguna dedo sa shootout

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawang pulis-Laguna ang iniulat na nasawi matapos mabaril sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng San Pedro at Biñan noong araw ng Lunes.

Kinilala ni P/Chief Supt. Jesus Versoza, Region 4-A police director ang mga biktimang sina PO3 Necias Malagum ng Mobile Patrol Unit ng bayan ng San Pedro at si SPO2 Miguel Mendoza, naka-assign naman sa Biñan PNP.

Nabaril at napatay si PO3 Malagum matapos rumesponde sa holdapan sa harap ng Bank of Philippine Island (BPI) na sakop ng Barangay Nueva kung saan isang negosyante ang nabiktima ng tatlong holdaper bandang ala-1:15 ng hapon.

Mabilis na nakarating sa lugar ng krimen si Malagum, pero sa hindi inaasahang pangyayari, sinalubong ito ng putok ng mga tumatakas na suspek lulan ng isang pampasaherong dyip (DPA-861), ayon sa ulat.

Samantala, nagpapatrulya naman si SPO2 Mendoza sa bahagi ng J. Gonzales Street sa Barangay Poblacion, Biñan bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang bigla pagbabarilin ng dalawang ‘di nakikilalang kalalakihan.

Tinangay ng mga suspek ang service firearm ni Mendoza habang nakarekober naman ng isang paltik na baril na pinaniniwalaang pag-aari ng mga killer.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

ARNELL OZAETA

BANK OF PHILIPPINE ISLAND

BARANGAY NUEVA

BARANGAY POBLACION

CHIEF SUPT

ED AMOROSO

GONZALES STREET

JESUS VERSOZA

MALAGUM

MENDOZA

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with