Ito ay matapos maaktuhan ng PSN ang tila isang maruming barangay sa munisipalidad dahil sa basurang ikinakalat ng mga sugarol na kabataan na nakikitang gumagawa ng kaguluhan matapos mag-inuman sa mga tindahan sa loob mismo ng mala-casinong peryahan ng Freeport.
Napag-alaman na isang nagngangalang Rick Quiros ang nagmamay-ari ng pasugalan na pinaniniwalaang nagbibigay ng P3-milyon sa mga opisyal ng Subic Bay Freeport Zone para maipagpatuloy ang iligal na sugalan.
Kabilang sa mga ipinatayong pasugalan ni Quiros sa nasabing Freeport ay ang beto-beto; pula-puti; roleta; rolling dice at maging ang video karera games kung saan ilang mga security police officers ng Law Enforcement Department (LED) na pinamumunuan ni ret. Col. Jaime Calunsag, ang mismong itinalaga sa nasabing compound upang magbantay sa operasyon ng pasugalan.
Ipinagyayabang pa umano ni Quiros ang pangalan ni Calimlim sa kanyang illegal na operasyon kung kayat maging ang pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay bigong mapahinto ito dahil sa sobrang proteksyong ibinibigay dito ng naturang opisyal.
Ayon pa sa source na tumatanggap ng lingguhang intelihensya ang ilang tiwaling opisyales ng LED at Anti-Smuggling Task Force (ASTF) mula kay Quiros ng P50,000 maliban pa sa paunang ibinayad nito na P3-milyon kapalit ang operasyon ng mga pasugalan.
Sinasabing si Quiros ay kilala sa Pampanga partikular sa Angeles City bilang bigtime gambling lord at pinaniniwalaang inilipat nito ang kanyang operasyon sa Freeport matapos salakayin ng CIDG-Anti-Gambling Task Force sa Camp Olivas ang mga pasugalan nito sa Henson St., Angeles City may isang buwan na ang nakalipas. (Jeff Tombado)