Sa isang phone interview, kinilala ni Police Regional Office (PRO) 12 Director P/Chief Supt. Danilo Mangila ang napatay na suspek na si Abdul Bayan Kabalu at ang nasakoteng pamangkin nito na kinilalang si Mustafa Kabalu.
Napag-alaman na ang mga suspek ay pawang nasa order of battle ng PRO 12 kaugnay sa talamak na pagtutulak ng illegal na droga.
Ayon pa kay Mangila, sinalakay ng mga operatiba ng Special Operations Group (SOG) ng Cotabato Police ang safehouse ng mga suspek sa Bagua II ng nabanggit na lungsod at dahil sa tumangging sumuko ang kapatid ni Kabalu na agad pinaputukan ang raiding team ay nauwi sa mainitang barilan hanggang sa bumulagta si Abdul, habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si Sonny Catambac, isang takas na bilanggo.
Sinabi pa ni Mangila na nagsagawa sila ng operasyon laban sa mga suspek matapos na makatanggap ng reklamo mula sa mga residente hinggil sa illegal na pagbebenta ng shabu ng grupo ng nasabing drug dealer.
Sa hiwalay na panayam, itinanggi naman ni MILF Spokesman Eid Kabalu na sangkot sa drug trade ang kaniyang kapatid.
"The reports are sketchy. It could be a case of mistaken identity. He has no record of involvement in drug trafficking", ayon pa sa MILF Spokesman. (Joy Cantos)