6 Kano isasalang na sa korte
November 9, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY Pormal nang ipinalabas kahapon ng Olongapo City Prosecutors Office ang subpoena laban sa anim na akusadong Amerikanong sundalo na sangkot sa kasong rape na naganap sa Subic Bay Freeport noong Martes (Nobyembre 1).
Pirmado ni Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio B. Jalandoni ang subpoena, kasabay ang pagpapadala sa tanggapan nina Chief State Prosecutor Jovencito Zuño ng Department of Justice (DoJ) at gayundin kay Department of Foreign Affairs (DFA) Unsec. Rafael Seguis na siya namang magbibigay ng kopya sa US Embassy sa pangunguna ni US Charge de Affair Paul Jones.
Kabilang sa mga akusadong Kano na padadalhan ng subpoena ay sina S/Sgt. Chad Carpentier, Daniel Smith, Dominic Duplantis, Corey Burris, Albert Lara at Keith Silkwood na pawang US Marines na nanghalay sa 22-anyos na biktima na taga-Zamboanga City.
Binigyan lamang ng Olongapo City Prosecutors Office ng 10-araw na palugit ang mga akusadong Kano upang sagutin ang mga bintang at akusasyon sa kanila ng biktima.
Sa darating na Nobyembre 23 at 29, 2005 ang itinakdang araw ng preliminary investigation ng kaso at ang binuong special 2-man panel na kinabibilangan nina Jalandoni at Asst. City Prosecutor Raymund C. Viray, ang mag-iimbestiga.
Samantala, nakatakda namang kasuhan ng Olongapo City Prosecutors Office si Timoteo Soriano, ang drayber ng inarkilang Starex van (WKF-162) ng mga suspek, kung sakaling babawiin nito ang unang pahayag nito sa opisyal ng SBMA.
Napag-alaman na si Soriano ay biglang bawi sa unang sinumpaang salaysay nito dahil sa pinilit umano siyang magsinungaling ng mga imbestigador ng Intelligence and Investigation Office (IIO) ng SBMA. (Jeff Tombado, at may dagdag ulat nina Grace dela Cruz, Ellen Fernando at Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended