^

Probinsiya

Estudyante dinukot, ni-rape ng pinsan

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 3rd year high school student ang dinukot at ginahasa ng kanyang mismong pinsan ang natagpuang inabandona sa Brgy. Patagan, San Miguel, Catanduanes, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Joan, 14 ( hindi tunay na pangalan ), residente ng Brgy. Pangpang, Labo, Camarines Norte.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang suspek na si Deolito Villegas 28 , may asawa, magsasaka at naninirahan rin sa naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay natagpuan ni Brgy. Captain George Teanillo dakong alas- 7:30 ng gabi na pagala-gala sa naturang lugar kung kaya ito ay kaagad na dinala sa himpilan ng pulisya.

Napag-alaman na ang suspek ay nagbabakasyon lamang sa bahay ng kamag-anak nito na nakilalang sina Mr. and Mrs. Benito delos Santos sa Brgy. Pampang , Labo Camarines Norte.

Nabatid na ang biktima ay niyaya ng suspek na magtungo sa bayan ng Labo , Camarines Norte subali’t imbis na umuwi ay sumakay ng bus patungo sa Tabaco City kung saan nag-overnight ang dalawa sa isang lodging house at doon na ginasaha ang biktima na nasundan pa kinabukasan ng umaga sa isang taniman ng abaca bago ito inabandona. (Ed Casulla)

vuukle comment

BRGY

CAMARINES NORTE

CAPTAIN GEORGE TEANILLO

DEOLITO VILLEGAS

ED CASULLA

LABO

LABO CAMARINES NORTE

LEGAZPI CITY

MRS. BENITO

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with