^

Probinsiya

Police escort ni Gov. Maliksi itinumba

-
CAVITE Umaabot sa 20 tama ng bala ang lumagos sa katawan ng isang pulis-Cavite na nakatalaga kay Cavite Gov. Ayong Maliksi bilang security escort sanhi ng kanyang kamatayan at itinapon ang bangkay nito sa ilang na lugar sa Brgy Queensrow, Central Bacoor, sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Insp. Rommel Marbil, hepe ng Bacoor Police ang biktima na si PO2 Jeremiah Tamayo Amoranto, 29, residente ng Poblacion Bacoor, Cavite at dating nakatalaga sa Bacoor PNP, bago napunta sa PIIB at ilang buwan pa lamang ay muling nailipat at napadestino sa Security Department ni Governor Ayong sa Capitol Detachment.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Jay Caparas, may hawak ng kaso, dakong alas-7 ng umaga nang makita ng ilang residente rito ang biktima na nakahandusay sa madamong bahagi ng nasabing lugar na tadtad ng tama ng bala sa mukha at katawan.

Nabatid na huling nakitang buhay si Amoranto noong Nobyembre 1 na kung saan ay nag-duty pa umano ito sa sementeryo sa hindi pa mabatid na lugar at hindi na umano ito nakauwi pa.

Dahil sa sobrang pag-aalala ng ina nitong si Carmencita ay nag-report ito sa Bacoor PNP upang sabihing hindi na umano umuuwi ang kanyang anak na hindi naman nito dating ginagawa.

Nagulat na lamang ang pamilya nito ng makaraan lamang ang ilang oras ay kinilala ang biktimang natagpuan na si Amoranto na hinihinalang sinalvage matapos dukutin noong Araw ng mga Patay.

Posible umanong nakasilip ng pagkakataon ang mga taong nasagasaan nito sa panghuhuli na may kinalaman sa droga kaya itinumba na ito at sa kasalukuyan ay masusing imbestigasyon ang isinasagawa upang mabatid ang responsable sa pagpatay sa biktima. (Cristina Go Timbang)

vuukle comment

AMORANTO

AYONG MALIKSI

BACOOR

BACOOR POLICE

BRGY QUEENSROW

CAPITOL DETACHMENT

CAVITE

CAVITE GOV

CENTRAL BACOOR

CHIEF INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with