Itoy sa gitna nang pagluluksa ng pamilya ng mga minerong natabunan sa pagguho ng minahan sa kanugnog na bayan ng Monkayo kung saan ay patuloy pa rin ang search and retrieval operations ng lokal na pamahalaan.
Gayundin, sa kabila ng mahigpit na direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa AFP-Southcom at sa pulisya na dakpin ang grupo ng mga rebeldeng NPA na talamak na nangingikil ng revolutionary tax sa mga may-ari ng minahan sa Mt. Diwalwal.
Naitala ang insidente dakong alas-6 ng umaga nang lusubin ng mga rebelde ang isang small-scale mining sa Sitio Inupuan, Barangay Mainit ng lalawigang ito.
Kasunod nito ay sinunog ang mga kagamitan na kinabibilangan ng compressor, electric motors at iba pang mga kagamitan sa naturang minahan sa Bayalas at UMC tunnel.
Matapos maabo ang nasabing mga kagamitan ay tinangay ng mga rebelde ang isang unit ng chainsaw, dinisarmahan ang mga minero.
Agad na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kagubatang sakop ng Sitio Mangitngit, Barangay Katipunan ng nasabing bayan. (Joy Cantos)