^

Probinsiya

Minahan sinunog ng NPA

-
CAMP CRAME – Naghasik na naman ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang sunugin ang isang minahan ng ginto na kanilang nilusob sa bahaging sakop ng Sitio Inupuan, Barangay Mainit, Compostella Valley, kamakalawa.

Ito’y sa gitna nang pagluluksa ng pamilya ng mga minerong natabunan sa pagguho ng minahan sa kanugnog na bayan ng Monkayo kung saan ay patuloy pa rin ang search and retrieval operations ng lokal na pamahalaan.

Gayundin, sa kabila ng mahigpit na direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa AFP-Southcom at sa pulisya na dakpin ang grupo ng mga rebeldeng NPA na talamak na nangingikil ng revolutionary tax sa mga may-ari ng minahan sa Mt. Diwalwal.

Naitala ang insidente dakong alas-6 ng umaga nang lusubin ng mga rebelde ang isang small-scale mining sa Sitio Inupuan, Barangay Mainit ng lalawigang ito.

Kasunod nito ay sinunog ang mga kagamitan na kinabibilangan ng compressor, electric motors at iba pang mga kagamitan sa naturang minahan sa Bayalas at UMC tunnel.

Matapos maabo ang nasabing mga kagamitan ay tinangay ng mga rebelde ang isang unit ng chainsaw, dinisarmahan ang mga minero.

Agad na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kagubatang sakop ng Sitio Mangitngit, Barangay Katipunan ng nasabing bayan. (Joy Cantos)

BARANGAY KATIPUNAN

BARANGAY MAINIT

COMPOSTELLA VALLEY

JOY CANTOS

MT. DIWALWAL

NEW PEOPLE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SITIO INUPUAN

SITIO MANGITNGIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with