P5-M sasakyan naipuslit sa SBMA
November 1, 2005 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Dalawang imported luxury vehicles na nagkakahalaga ng P2.5-milyon bawat isa ang ipinuslit palabas ng Subic Freeport makaraang makipagsabwatan ang ilang tauhan at opisyal ng Anti-Smuggling Task Force (ASTF) na pinamumunuan ni ret. Lt. Gen. Jose Calimlim at Bureau of Customs (BoC).
Ito ang napag-alaman ng PSN sa panibagong smuggling activities na nagaganap sa loob ng Subic Bay Freeport Zone matapos ibunyag ng isang source na aniya ay sangkot hindi lamang ang tauhan ng pulisya, kundi maging ang ilang opisyal ng mga nabanggit na ahensya.
Ayon sa source, naaktuhan nito ang pagpupuslit ng bagong sports car sa Banicain entry/exit gate ng Freeport
Napag-alamang peke ang mga dokumento at maging ang plaka ng naipuslit na sasakyan, subalit pinalabas din ito ng mga tauhan ng Law Enforcement Department (LED) na nakabantay sa nabanggit na gate dahil sa ilang mga opisyal ng Anti-Smuggling Task Force at Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) ng BoC ang nagsilbing escort dito.
Noong Oktubre 28, 2005 ganap na alas-6:30 ng gabi isang kulay silver light-blue na BMW model 2004 ang inismagel sa gate ng Banicain kung saan escort din ang ilang tauhan ng LED, Task Force at Customs.
Sinabi ng source na binayaran ang anim na LED officers na nakabantay sa gate ng P1,000 bawat isa kung saan isang customs police ang nag-abot sa mga ito.
Idinagdag pa ng impormante na ang sasakyan ay pag-aari ng isang Kano na ginagamit sa loob ng SBMA dahil "blue plate" ang mga plakang nakakabit at nakarehistro sa Land Transportation Office-Subic District Office, subalit ng ito ay ilabas ng Freeport Zone ay green plate na ang nakakabit dito.
Huling namataan ang naturang sasakyan na inalisan ng blue plate habang nakaparada sa loob ng yarda ng isang rehistradong locator ng Freeport kung saan isang nagngangalang Rick Tubig ang namamahala sa nasabing kumpanya.
Kaugnay nito ay naging talamak ang smuggling ng mga mamahaling sasakyan sa Freeport dahil na rin sa pakikipagsabwatan ng mga tiwaling tauhan at opisyal ng LTO, Assessment Division at ESS-CPD ng BoC, LED at Anti-Smuggling Task Force kung saan walang silbi at inutil ang nasabing mga ahensya. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest