Konsehal itinumba sa pista
November 1, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Nauwi sa trahedya ang masayang pistahan makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang konsehal at pinsan nito ng isang lalaki na sinita ng mga biktima dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan sa kahabaan ng Minglanilla, Cebu kahapon ng madaling-araw.
Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Gilbert Cañares, 42, konsehal sa Barangay Tunghaan.
Idineklarang patay naman sa South General Hospital dahil sa tama ng bala sa dibdib na naglagos sa kaniyang puso ang pinsan nitong si Antonio Cañares.
Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang suspek na nakilalang si Jun Macaantal ng Barangay Bacayan, Cebu City.
Sa ulat, naitala ang insidente ganap na alauna y medya ng madaling-araw sa kahabaan ng Barangay Road na sakop ng Sitio Abuno, may 10 kilometro ang layo sa Tunghaan Barangay Hall .
Base sa imbestigasyon, kasalukuyang nagmamantine ng seguridad para sa benefit dance ang nasabing opisyal ng barangay kasama ang kanyang pinsan, kaugnay ng pistahan sa nasabing lugar nang sitahin ang suspek na sobrang bilis magpatakbo ng kulay abong Starex van na may plakang GDL-447.
Pinagsabihan ng biktima ang suspek na magdahan-dahan sa pagmamaneho ng van dahil sa masyadong maraming tao at makadisgrasya.
Nagkaroon nang mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng biktima hanggang sa bumunot ng baril ang una saka pinagbabaril ang mga biktima bago mabilis na tumakas mula sa crime scene. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest