Lady trader naningil ng pautang, tinarakan
October 30, 2005 | 12:00am
CAVITE Kritikal sa ospital ang isang negosyanteng misis makaraang sa halip na bayaran ay pagsasaksakin pa ito ng kanyang pinautang ng sadyain ito at singilin kahapon ng umaga sa Barangay Biwas Tanza, Cavite.
Sa ulat ni C/Insp. Audie Madrideo, hepe rito, kinilala ang biktima na si Fe Nocon, 56, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.
Naaresto naman ang suspek na si Alma Rivera, 38, may-asawa at residente rin ng nabanggit na lugar.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Celino Javier, dakong alas-9:45 ng umaga nang sadyain ng biktima ang suspek upang singilin sa kanyang utang na P3,000 na matagal ng hindi nababayaran ng suspek.
Ngunit sa halip umanong makiusap ang suspek ay nagalit pa ito at ng kulitin siya ng biktima na magbayad ay pumasok ito sa loob ng bahay na inakala ng biktima na kukuha ng pera ngunit ng lumabas ito ng bahay ay armado na ng kutsilyo.
Mabilis na nilapitan ng suspek ang biktima at pinagsasaksak na agad namang sinaklolohan ng ilang nakasaksi at isinugod sa pagamutan.
Nakatakdang sampahan ng kasong frustrated murder ang suspek na ngayon ay naghihimas ng malamig na rehas na bakal sa detention cell ng Tanza PNP. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended