2 tinodas sa hapag-kainan
October 29, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Dalawang magsasaka ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang mga biktima ay naghahapunan sa kanilang bahay sa magkahiwalay na bayang sakop ng Camarines Sur at Sorsogon, kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa pinaslang na mga biktima ay nakilalang sina Jesus Lombo Jr. ng Sitio Ukwaw sa Barangay Baya, Ragay, Camarines Sur at Armando Cervas ng Sitio Malabigan sa Barangay Carriedo, Irosin, Sorsogon.
Base sa ulat ng pulisya, unang niratrat at napaslang ang biktimang si Lombo Jr. habang naghahapunang kasama ang kanyang asawat anak. Sugatan naman ang anak na si Exequel Lombo, 27, na ngayon ay ginagamot sa Ragay District Hospital habang ang asawa ay hindi nakaligtas sa naganap na karahasan na naganap dakong alas-7 ng gabi.
Kasunod nito, napatay naman ang biktimang Cervas matapos bistayin ng bala ng armalite habang naghahapunan kasama ang pamilya sa sariling bahay.
Hindi naman makumpirma ng pulisya kung mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang bumanat sa mga biktima dahil pawang naka-uniporme ng military.
May teorya ang mga awtoridad na inakalang mga tiktik ng pamahalaan ang mga biktima kaya pinatahimik. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended