Lolo sinalpok ng bus, dedo
October 27, 2005 | 12:00am
CAVITE Sinalpok ng bus at napatay ang isang 79-anyos na lolo habang tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Governors Drive na sakop ng Barangay Maduya sa bayan ng Carmona, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Eduardo Diaz ng Origano Street sa nabanggit na barangay. Arestado naman ang drayber ng shuttle bus (RBM 831) na si Felipe Comedia, 43, ng Barangay Bulihan sa Silang, Cavite. Posibleng masyadong mabilis magpatakbo ng sasakyan ang drayber at hindi na nakuhang maiwasan ang tumatawid na biktima kaya naganap ang insidente, ayon sa pulisya. (Cristina Timbang)
CAMP SIMEO OLA, Legazpi City Isang 33-anyos na hepe ng barangay tanod na napaulat na nawawala ng ilang araw ang natagpuang patay na tadtad ng saksak sa bahagi ng Sitio Tomecar, Barangay Bicalin sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur kahapon ng umaga. Nakagapos ang dalawang kamay at paa nang madiskubre sa mababaw na hukay ang biktimang si Dante Rosales ng nabanggit na barangay. May teorya ang pulisya na may nasagasaang grupo ang biktima, kaya dinukot muna bago pinaslang. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am