Negosyanteng Bumbay, itinumba
October 26, 2005 | 12:00am
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya Isang kilalang trader na Bumbay ang iniulat na pinaslang matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki habang nakikipag-inuman ang biktima, kamakalawa ng gabi sa Barangay Santa Rosa, Bayombong sa Nueva Vizcaya.
Sa ulat na ipinarating kay P/Senior Supt. Robert Mangaccat, police provincial director, nakilala ang biktima na si Ragvender Singh, 34, ng #344 LB Perez St., Barangay Don Mariano Perez, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Edward Cara, nakikipag-inuman ng alak ang biktima sa kaibigang si Renato Jose sa loob ng San Mig Restaurant nang lapitan ng nag-iisang killer na maskarado.
Napag-alamang pinaputukan agad ang biktima na labis na ikinagulat ng kaibigan nito at iba pang mga nakasaksi.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo sa hindi malamang direksiyon.
Mabilis naman na isinugod sa Veterans Regional Hospital ang biktima, subalit namatay habang ginagamot dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib.
Sa kasalukuyan ay nahaharap sa blangkong pader ang mga kagawad ng pulisya sa katauhan ng suspek na pinaniniwalaang bayarang mamatay-tao. (Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest