^

Probinsiya

2 barangay chairman itinumba

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Dalawang opisyal ng barangay ang iniulat na itinumba ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng liquidation squad ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Pampanga at Tarlac, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kabilang sa mga biktimang pinagbabaril hanggang sa mapatay ay sina Bienvenido Abuque Capuno, 40, chairman ng Barangay Camias sa bayan ng Porac, Pampanga at Rodante Apuan Bautista, 51, chairman ng Barangay La Purisima sa bayan ng La Paz, Tarlac. Sa ulat na isinumite kay P/Seniot Supt. Leonardo Espina, Pampanga provincial director, si Capuno ay nasa loob ng Universal Videoke Bar sa Barangay Pio, Porac, Pampanga nang lapitan ng dalawang armadong kalalakihan saka pinagbabaril hanggang sa duguang bumulagta.

Sugatan naman ang isang guest relation officer (GRO) na si Sarah Lumalalan, matapos na tamaan ng ligaw na bala ng baril sa hita.

Samantala, sa ulat ni P/Senior Supt. Nicanor Bartolome, Tarlac provincial director, si Barangay Chairman Bautista ay inupakan ng mga hindi kilalang kalalakihan habang naglalakad na kasama ang isang barangay tanod sa harap ng La Purisima Elementary School. Nakaligtas naman ang kasama ni Bautista na si Jesus Jacinto, ayon sa ulat ni Bartolome.

Kasalukuyang pang inaalam ng pulisya, kung ano ang motibo ng krimen. (Ric Sapnu)

BARANGAY CAMIAS

BARANGAY CHAIRMAN BAUTISTA

BARANGAY LA PURISIMA

BARANGAY PIO

BIENVENIDO ABUQUE CAPUNO

JESUS JACINTO

LA PAZ

LA PURISIMA ELEMENTARY SCHOOL

LEONARDO ESPINA

PAMPANGA

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with