Dead-on-the-spot sa insidente ang mga biktimang kinilalang sina Roberto Almero at Jimmy Cañete matapos na matadtad ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Kasalukuyan namang inoobserbahan sa pagamutan ang isa pa ng mga itong kasamahan na nakilala namang si Ronald Encan, nasa malubhang kalagayan sa tinamong mga tama ng bala sa tiyan.
Batay sa report, dakong alas-11:45 ng tanghali habang ang mga biktima na pawang nakatalaga sa Andili detachment ng Armys 72nd Infantry Battalion (IB) ay kasalukuyang nagpapatrulya sa bisinidad ng Brgy. Andili sa bayan ng Mawab nang maisipang kumain muna sa Andili Restaurant sa nasabing lugar.
Gayunman, sinundan ang mga ito ng limang rebelde at habang kumakain ay niratrat ang nasorpresang mga biktima na hindi na nakuhang gumanti ng putok.
Ilang saglit pa ay nakita ang mga rebelde na mabilis na tumatalilis sa nasabing lugar habang agad namang isinugod sa pagamutan ang sugatang CAFGU sa pag-asang maisasalba pa ang buhay nito.
Ang bangkay ng dalawang CAFGU ay dinala na sa Mawab Funeral Parlor para maisailalim sa awtopsya. (Joy Cantos)