2 patay, 6 pa sugatan sa banggaan

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawa katao ang nasawi habang anim ang malubhang nasugatan matapos na magsalpukan ang kanilang sinasakyang jeep at pampasaherong bus sa Barangay Gabao, Irosin Sorsogon, kahapon ng umaga.

Nakilala ang dalawang nasawi na sina Emerciana Hernale at Restituto Belen, samantala ang mga sugatan na kaagad naman na isinugod sa Irosin District Hospital ay kinilalang sina Syrel Belen, Jerico Belen, Ruel Gutlayon, Bonifacio Buenabidez, Domingo Rodriguez at Nicolas Ditchoso, driver ng pampasaherong jeep.

Ayon kay SPO4 Nestor Pantua, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-9 ng umaga habang ang jeepney (TWH—106) na minamaneho ni Dichoso ay binabagtas ang kahabaan ng naturang kalsada nang makasalubong ang Philtranco bus na may plakang PYT-626 na minamaneho naman ni Jaime Polias at bigla na lamang nagkabanggaan

Patungo ang jeep sa Poblacion ng Irosin habang ang bus na galing sa Metro Manila ay patunggo sa Allen Northern Samar nang maganap ang aksidente. (Ed Casulla)

Show comments