Gayunman, agad na nadakip ang anim sa pitong pugante na nakilalang sina Tomas Awed, Badong Lakay, Angelito Alvarado, Al Nante, Erwin Espinosa at Reynante dela Vega.
Pinaghahanap pa ng awtoridad ang lider ng grupo na si Maximinao Taruc.
Batay sa ulat na nakarating sa PNP Headquarters, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa Siocon Municipal Jail sa Siocon, sa nasabing lalawigan.
Nauna ang pagtakas, nagreklamo umano ang isa sa mga pugante na si Awed ng pananakit ng kanyang kili-kili.
Dahil dito, agad na tinungo ng dalawang guwardya na sina Jail Officer 3 Jesus Osorio Jr. at JO2 Roel Mira ang cell number 3 para alamin ang kalagayan ni Awed.
Subalit pagkabukas pa lamang ng lock ng kanilang selda ay agad na kinuyog ang dalawang jailguard at mabilis na nagpulasan ang mga ito.
Nakuha naman ni Mira na paputukan ang mga papatakas na preso na ikinatama sa kanang tuhod ng isa sa mga ito.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang awtoridad kaugnay sa naturang jailbreak. (Angie dela Cruz)