5 patay sa killer kidlat; 9 pa grabe
October 22, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Limang magsasaka ang kumpirmadong nasawi habang siyam pa ang grabeng nasugatan kabilang ang dalawang bata matapos na aksidenteng tamaan ng kidlat ang kubong kanilang sinilungan sa isang palayan sa Ormoc City, Leyte kamakalawa ng hapon.
Sa isang phone interview, kinilala ni Supt. Doroteo Marcolis, hepe ng Ormoc City Police ang mga nasawing biktima na sina Rodolfo Fuentes, 19, binata; Curnwel Viraqui, 33; Danny Wagas, 25, may-asawa; magkapatid na sina Rommel, 18; at Jesus , 17; pawang residente ng Brgy. San Jose ng nasabing lalawigan.
Ayon kay Marcolis ang mga namatay na biktima na pawang dead-on-the-spot ay halos di na makilala ang mga bangkay matapos magtamo ng grabeng pagkasunog sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama sa mga ito.
Ang mga nasugatang biktima ilan sa mga ito ay nasa grabeng kondisyon na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Ormoc City Hospital ay nakilala namang sina Belen Wagas, 20; Reynan Puliño, 7; Florencio Catado, 54, may-asawa; Johnrel Aguilez, 2; Olimpio Elempio, Naidi Gudil, 25; Eddie Gudil; Rommel Merquito, 16; at isang alyas Biboy.
Sinabi ni Marcolis na kasalukuyang nag-aani ng palay ang mga biktima kasama ang dalawang paslit ng maganap ang insidente sa Brgy. San Jose ng nasabing lungsod dakong alas-2 ng hapon.
Ayon sa opisyal, malakas ang ulan sa lugar kung saan matapos kumulog ng sunud-sunod ay napilitan ang mga biktima na sumilong sa isang kubo sa gitna ng palayan.
Gayunman, isang malakas na kidlat ang tumama sa kubo na agad na kumitil sa buhay ng limang biktima at matapos ang ilang oras ay mabilis na isinugod ng kanilang mga kanayon ang mga sugatan sa pagamutan ng lungsod.
Patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang siyam na biktima kabilang ang dalawang paslit na sumama lamang sa bukid. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest