^

Probinsiya

3 katao sugatan sa holdap

-
MALOLOS, Bulacan – Tatlong katao ang malubhang nasugatan matapos magpaputok ang anim na armadong lalaki na nangholdap sa isang bilyaran sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Sr. Inspector Gerardo Andaya Sr., hepe ng Community Police Station ang tatlong biktima na sina Rosauro de Belen, Vladimir Capulong at Rolando Paraiso, habang pinipigil naman ng pulisya matapos na madakip sa follow-up operation ang 4 sa mga suspek na nakilalang sina Dionisio Santos,16; Marlon Nirola, 25; Merjen Pagapulangan, 22; at Marlon Mugaw.

Sa imbestigasyon, habang tumatakas ay namaril sa hinoldap na bilyaran na matatagpuan sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Tikay sa lungsod na ito.

Bandang ala-1:15 ng madaling-araw, nang pasukin ng mga suspek ang trickshot billiard at holdapin ang may-ari nito na si Luciana Molina, 42, at ang mga naglalarong kostumer at matapos na makuha ang mga cellphone, alahas at salapi ng mga biktima ay pinagbabaril pa ang mga ito na ikinasugat ng 3 biktima. (Efren Alcantara)

vuukle comment

COMMUNITY POLICE STATION

DIONISIO SANTOS

EFREN ALCANTARA

LUCIANA MOLINA

MARLON MUGAW

MARLON NIROLA

MERJEN PAGAPULANGAN

ROLANDO PARAISO

SR. INSPECTOR GERARDO ANDAYA SR.

VLADIMIR CAPULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with