Pulis nilikida ng NPA rebs

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang tauhan ng pulisya ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army habang ang biktima ay sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Tinampo sa bayan ng Irosin, Sorsogon, kahapon ng umaga. Naisugod pa sa Irosin District Hospital, subalit namatay din ang biktimang si PO3 Remegio Canuel ng Barangay Gabao at nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayang nabanggit. Sugatan din ang isang traysikel drayber na si Antonio Funit, 35, ng Barangay San Pedro, matapos na tamaan ng ligaw na bala ng baril habang naghihintay ng pasahero. Ayon sa ulat, si PO3 Canuel na pinaniniwalaang nasa talaan ng NPA ay pinaslang habang patungo sa himpilan ng pulisya para mag-duty. (Ed Casulla)

Show comments