^

Probinsiya

Sapatero tumalon sa 4th floor ng mall, dedo

-
RIZAL — Pinaniniwalaang naka-estafa ng 400 pares ng sapatos na nagkakahalaga ng P.8 milyon, kaya nagdesisyong mag-suicide ang isang 33-anyos na sapatero makaraang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng mall sa Barangay Sto. Domingo ng nabanggit na bayan. Naisugod pa sa Amang Rodriguez Medical Center, subalit idineklarang patay ang biktimang si Renato Huerto ng Eastside Townhouse sa Barangay Maybunga, Pasig City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bago maganap ang pagpapakamatay ng biktima ay namataan na ito ng security guard na si Rommel Tanco na naglalakad sa nasabing lugar. Tinangkang lapitan ni Tanco ang biktima para sitahin, subalit biglang nagtatakbo at lumundag mula sa 4th floor ng Sta. Lucia Grand Mall sa kahabaan ng Felix Avenue ng nabanggit na barangay.

Narekober sa bulsa ng biktima ang sulat ng may-ari ng Mano Shoe Manufacturing Corp.na may petsang Setyembre 22, 2005 tungkol sa nawawalang 400 na pares ng sapatos (P.8-M) na hindi maipaliwanag ni Huerto kung nasaan.

Isa pang liham mula sa nasabing kompanya na may petsang Setyembre 27, 2005 ang narekober ng pulisya na pinagpa-file si Huerto ng resignation sa Oktubre 21, 2005.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang dalawang liham ng nabanggit na kompanya ng sapatos sa pagpapakamatay ng biktima. (Edwin Balasa)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BARANGAY MAYBUNGA

BARANGAY STO

EASTSIDE TOWNHOUSE

EDWIN BALASA

FELIX AVENUE

HUERTO

LUCIA GRAND MALL

MANO SHOE MANUFACTURING CORP

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with