90-anyos na ama kinatay ng anak
October 18, 2005 | 12:00am
KORONADAL CITY Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 90-anyos na ama sa kamay ng sariling anak makaraang pagtatagain sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Linan sa bayan ng Tupi, South Cotabato, kamakalawa ng hapon.
Animoy kinatay na alagang hayop ang katawan ng biktimang si Candido Polinar, samantalang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Edgar Polinar, 37 ng nabanggit din barangay matapos na isagawa ang krimen dakong alas-5:30 ng hapon.
Lumitaw sa imbestigasyon ni SPO4 Eddie Orencio, deputy chief of police sa bayan ng Tupi, bago maganap ang krimen ay namataan ng mga residente, ang mag-ama na nag-iinuman ng alak hanggang sa natigil dahil sa naubusan ng alak.
Napag-alamang umuwi na ang suspek, habang ang biktima ay nagtungo sa kapitbahay upang makipag-inuman hanggang sa malasing ang matanda na may hawak na itak.
Dahil sa pagkalango sa alak ng matanda ay nagsimulang manggulo at tinungo nito ang suspek sa kanyang bahay.
Nabatid na hinamon ng away ng matanda ang sariling anak na senglot din sa alak hanggang sa tagain nito ang huli, subalit hindi tinamaan.
Nakatiyempo namang makakuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang kanyang ama na lango sa alak hanggang sa duguang bumulagta.
Kinokonsidera namang ng ina ng suspek na hindi na sasampahan ng kaukulang kaso ang sariling anak na pumaslang sa kanyang ama. (Ramil Bajo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended