Mister walang pera, nag-suicide

Camp Simeon Ola, Albay – Dahilan sa walang perang pambayad sa hospital para sa maysakit na misis, isang 33-anyos na mister ang nagsuicide matapos na maglaslas ng leeg sa loob ng comfort room ng isang kolehiyo sa bayan ng Bacacay, ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Pedro Quintana, may- asawa at residente ng Sitio Mayon, Brgy. Cumadcad, Castilla, Sorsogon.

Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-4:00 ng hapon matapos na ang biktima ay pumasok sa loob ng comfort room ng Divine World College sa Brgy. Sugod, Bacacay at hindi na muling lumabas pa hanggang sa ito ay makitang nakahandusay at may laslas ang leeg nito.

Nabatid na bago nagpakamatay ang biktima ang misis nitong si Marie Quintana ay isinugod sa Ziga Memorial Hospital sa Tabaco City dahil sa maysakit ito at ginagamot sa nasabing pagamutan.

Narekober ng mga awtoridad ang isang blade na ginamit ng biktima sa kanyang pagpapakamatay at lumilitaw sa imbestigasyon na bago ang insidente ay nasabi nito sa kaniyang pinsan na problemado siya sa pera dahilan hindi niya mailabas sa pagamutan ang kaniyang maysakit na asawa. (Ed Casulla)

Show comments