^

Probinsiya

Drug den ni-raid: 1 ‘tulak’ patay

-
BULACAN — Isang manggagawa ng paputok at pinaniniwalaang kasangkot sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot ang napatay habang nakatakas naman ang dalawang kasamahan nito matapos na makipagbarilan sa awtoridad nang salakayin ang isang pagawaan ng paputok na pinaniniwalaang drug den kamakalawa sa Bocaue, ng lalawigang ito.

Kinilala ni Bulacan PNP Provincial Drug Enforcement Group (PDEG) chief P/Supt. Pedro Ramos ang napatay na suspek na si Ronilo Celis, 32, may-asawa, ng Sitio Dam. Brgy. Binyang 2nd, Bocaue.

Samantalang patuloy na nagsasagawa ng pursuit operation laban sa mga nakatakas na suspek.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-5 ng hapon nang isagawa ang pagsalakay sa nasabing pagawaan ng paputok matapos ang may ilang araw na surveillance laban sa mga suspek.

Nang salakayin ang nasabing lugar, sinabi nang pulisya na agad silang pinaputukan ng mga suspek nang makatunog sa isinasagawang raid sanhi upang gumanti ng putok ang awtoridad na humantong sa pagkasawi ni Celis.

Narekober ng pulisya sa pag-iingat ng nasawi ang isang kalibre .38 baril na may bala, mga gramo ng shabu na hindi pa batid ang bilang at drug paraphernalias. (Efren Alcantara)

BINYANG

BOCAUE

BRGY

BULACAN

CELIS

DRUG ENFORCEMENT GROUP

EFREN ALCANTARA

PEDRO RAMOS

RONILO CELIS

SITIO DAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with