^

Probinsiya

50-rekrut na pulis, nanumpa

-
CAMP DANGWA, Benguet — Umaabot sa 40 kalalakihan at 10-kababaihan na nirekrut bilang kagawad ng pulisya ang nanumpa upang lalong palakasin ang puwersa ng kapulisan sa Cordillera laban sa kriminalidad.

Sa simpleng seremonya ng panunumpa sa Camp Dangwa ay dinaluhan ni P/Chief Supt. Noe Wong, Cordillera provincial director at mga opisyal ng Napolcom na sina Rodolfo Santos, Bial Palaez na kapwa miyembro ng Cordillera Regional Peace and Order Council.

Ang 50 bagong rekrut na pulis na may ranggong Police Officer 1 ay quota ng PRO-COR sa 2005 sa ilalim ng Special Order No. 1098.

Sa pahayag ni Wong, ang mga nanumpang kagawad ng pulisya ay itatalaga sa Regional Police Mobile Group para sa kanilang Reception.

"To join the PNP is a great one, because nothing is nobler than having a genuine desire to serve and protect the people, even at the expense of one’s own life", wika ni Wong.

Hinamon din ni Wong, ang mga bagong pulis na ipakita ang kanilang dedikasyon sa pag-serbisyo sa mga mamamayan at paglilingkod sa bayan, na walang kinikilingan at walang pag-iimbot sa sarili.

Kabilang sa pagsasanay ng mga bagong rekrut ay ang isang buwang orientation course sa Regional PNP Training School, Teachers Camp, Baguio City para naman sa anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course, bago italaga sa bawat kampo na sakop ng rehiyon. (Artemio A. Dumlao)

ARTEMIO A

BAGUIO CITY

BIAL PALAEZ

CAMP DANGWA

CHIEF SUPT

CORDILLERA REGIONAL PEACE AND ORDER COUNCIL

NOE WONG

POLICE OFFICER

PUBLIC SAFETY BASIC RECRUIT COURSE

REGIONAL POLICE MOBILE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with