Pulis tinodas ng kumpareng principal
October 12, 2005 | 12:00am
PAGSANJAN, Laguna Isang principal ng mataas na paaralan na pinaniniwalaang nagka-nervous breakdown na bumaril at nakapatay sa kanyang kumpareng pulis pagkatapos ay nagbaril sa sarili nitong Martes ng madaling-araw sa Barangay Pinagsanghan sa bayang nabanggit.
Kinilala ni PO2 Marlon Gascon, desk officer ng Pagsanjan PNP, ang suspek na si Medardo Ablena, 47, principal ng Lumot National High School at residente ng Barangay Bonifacio sa bayan ng Cavinti, Laguna.
Dead-on-the-spot naman si SPO2 Bayani Montesor, 48, miyembro ng 405th Police Mobile Group at residente ng Barangay Pinagsanghan sa bayang ito.
Sugatan naman ang anak ni Montesor na si Mark Cedric, 19 at kasalukuyang ginagamot sa Pagsanjan General Hospital matapos na tamaan ng mga ligaw na bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon, bandang alas-4:50 ng madaling-araw nang magulantang ang mga kapitbahay ni SPO2 Montesor at natagpuan na lang nilang patay sa loob ng kanyang bahay.
Natagpuan din ng mga residente ang duguan at patay ng si Ablena na nakahandusay sa may sofa ng bahay at hawak-hawak pa ang isang kalibre 45 baril.
Sa nakuhang salaysay ng mga imbestigador kay Mark Cedric, pinagbabaril umano ni Ablena si Montesor at pagkatapos ay siya naman ang pinagbalingang pagbabarilin ng suspek sa di-pa ring malamang dahilan hanggang sa itoy magbaril naman sa sarili.
Batay sa ulat, kinupkop ni SPO2 Montesor si Ablena kasama ang kanyang asawang si Gemma sa bahay dahil umano sa sunud-sunod na death threat na natatanggap ng principal.
Inaalam pa rin ng mga imbestigador kung may kinalaman ang matinding pagbagabag ng mga death threath sa principal kung kaya siya nawala sa sarili at nagawang barilin ang kanyang kumpare at anak nito. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended