Ito ang naibunyag kahapon sa PSN ng isang mapagkakatiwalaang impormante matapos ang sunud-sunod na nangyayaring nakawan partikular sa Kalayaan housing area kung saan dito tumitira ang ilang local at foreign investors at maging ang mga opisyal ng SBMA.
Kabilang sa kumpirmadong ninakaw ay ang 90-kilong brass-made propeller shaft na nakakabit sa isang mamahaling yate na pag-aari ng pumanaw na si national artist Leandro Locsin, ilang metro lamang ang layo mula sa SBMA security detachment ng Law Enforcement Department (LED) sa Kalayaan area.
Maging ang malaking centralized air-conditioning na nakakabit sa bahay na inuupahan ng dalawang imbestor na nakilala lamang sa apelyidong Labos at Ocampo na matatagpuan sa Finback St. ay hindi pinaligtas ng mga magnanakaw.
Ang nangyaring panloloob ng mga hindi pa matukoy na mga suspek sa bahay ni dating Tourism Sec. Mina Gabor kung saan tinangay ang mga mahahalagang gamit partikular ang mga appliances ng dating opisyal.
Marami pang insidente ng nakawan sa mga kabahayan sa Kalayaan housing area ang nananatiling hindi nalulutas ng mga tauhan ng LED at ng Intelligence and Investigation Office (IIO) na pinamumunuan nina ret. Cols. Jaime Calunsag at Joey Palabrica.
Umapela naman ang ilang mga residente sa nasabing housing area kay SBMA Chairman Feliciano "Fil" Salonga na pakilusin sina Calunsag at Palabrica para paimbestigahan ang nakawan sa loob ng SBMA na pinaniniwalaan na ang ilang tiwaling tauhan at opisyal ng LED ang kasabwat. (Jeff Tombado)