12-anyos inatado ng Akyat-Bahay
October 9, 2005 | 12:00am
ANGELES CITY Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang grade 6 pupil matapos na walang awang pagsasaksakin nang manlaban sa hinihinalang miyembro ng "Akyat-Bahay" gang na nanloob sa kanila kamakalawa sa Richtofen St., Henson Ville Subdivision, ng lungsod na ito.
Kinilala ang biktima na si Kristel May Pagcu, 12, at nakatira sa nasabing lugar.
Nakita naman ng ilang saksi na siyang pumasok sa nasabing tirahan ng biktima ang suspek na kinilalang si Jimmy Kanlas, 33, may-asawa, driver ng EPZA Resettlement Pulong Cacutud, Angeles.
Batay sa report, dakong alas-8 ng gabi habang mag-isa lamang ang biktima nang umano ay pasukin ng suspek.
Pilit umanong inaalam ng suspek ang kinaroroonan ng vault na pinagtataguan ng pera sa biktima na pilit na nanlaban. Nang hindi maituro ng bata ang vault ay saka inundayan ito ng sunud-sunod na saksak.
Matapos isagawa ang krimen ay tumakas ang suspek na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya.
Hinihinala naman na nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot ang suspek nang isagawa ang krimen dahil sa pagtadtad ng saksak sa bata.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended