2 kawatan ng krudo nasakote

BATANGAS — Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng Paihi Gang ang nasakote ng mga tauhan ng pulisya matapos na maaktuhang nagnanakaw ng krudo sa nakaparadang trak sa kahabaan ng highway ng Barangay San Pedro, Bauan, Batangas, kamakalawa ng madaling-araw. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Darwin Alcance, 24, drayber at Nestor Montalbo, 24, pahinante na kapwa naninirahan sa Batangas City. Bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang masakote ang mga suspek ng mga operatiba ng Intelligence Section Batangas Police Provincial Office, pulis-Bauan, at Naval Intel Security Unit (NISU) habang binabawasan ng diesel at gasolina ang kanilang Isuzu tanker truck (DWF-242) na pag-aari ni Perlita Villafuerte ng Regis Compound sa Lucena City. (Arnell Ozaeta)

Show comments